Friday, June 20, 2008

Eksena

...sequence xxx. interior xxx...

Maya: Gusto mo na bang kumain?

Alex: Kailangan ba laging nakadepende sakin?

Maya: Kasi ako, cigurado na ako sa gusto ko, ikaw na lang ang hindi.

Alex: Bakit, ano ba ang gusto mo?

Maya: Ikaw

Alex: Ako? Paanong ako?

Maya: Ikaw- un ang sagot sa tanong

Alex: Paanong ako?

Maya: Nahihirapan na akong sagutin ang mga tanong mo...tanungin mo na lang ako ng kahit anong tanong na pwede kong sagutin ng oo o hindi lang...

Alex: Hindi...magkwento ka...

Maya: Natatakot na'ko...nahuhulog na'ko sa'yo.

Alex: Kailangan ko na bang lumayo?

Maya: Gusto mo na bang lumayo?

Maya: Ano pa kasi ang nararamdaman mo para sa'kin?

Alex: I like you Maya. Pero hindi ko pa kaya ibigay sayo lahat. Ayokong saktan ka. Kaya ko tinatanong kung kailangan ko bang lumayo.

Maya: Ano ba ang kaya mong ibigay?

Alex: Kung ano ako ngayon

Maya: Kaya mo bang lumayo?

Alex: Kaya mo pa ba na ganito tayo?

Maya: Kinakaya. Kakayanin. Gusto mo pa ba na kayanin ko?

Alex: Kaya ko nga tinatanong sa'yo

Maya: Pero meron akong gustong hilingin

Alex: Ano yun?

Maya: Kung sakaling dumating ang araw na ayaw mo na...magpaalam ka naman...para alam ko lang.

Alex: Yes ma'am...masyado kang madrama

Maya: Pwede na kong best actress

Alex: Hindi pa rin.

Maya: Ah ganun? Ayaw mo lang akong magkatrophy pampalo sa ulo mo. Di bale, bibili na lang ako sa recto.

Alex: Hahaha. Namimiss na kita.

......

0 comments: