Monday, October 08, 2007

Sentimyento

Sabi ng ibang kaibigan kong may jowa, i-enjoy ko lang daw ang pagiging single. Namnamin ko ang mga panahong hindi ko kailangan magpaalam kahit kanino sa tuwing trip kong pumarty. Hindi naman raw kasi puro saya lang ang magkaron ng jowa.

Well, bakit nga ba minsan, hindi masaya ang maging single?

I'll give u a scenario okay? May lakad kayo ng old friends mo, matagal-tagal din kayong di nagkita. Sa di ko rin maintindihan, talagang part na ng catching up niyo ang tanong na, "may boyfriend ka na ba?" At dahil single ako, eh di sasabihin kong," wala pa. " At dahil may mga jowa sila, hindi sila masyadong sensitive sa nararamdaman ng mga dakilang singles like me kaya naman ang reaksyon nila ay isang," Ha? Bakit?" - na waring kasalanan at kakulangan sa pagkatao ang pagiging single.

Sa totoo lang, hindi ko rin alam kung bakit nga ba hanggang ngayon ay hindi ko pa nakikilala ang siya ng buhay ko. Pero ito lang ang sasabihin ko...hindi madaling maghintay. Hindi rin madali ang makipagdate...Hindi rin madali ang paulit-ulit na meeting with mr. wrong. The process of meeting the person na mamahalin mo at mamahalin ka ay hindi madali. Hindi naman kasi pwedeng one way lang diba? Hindi naman pwedeng mahal ka, pero di mo naman mahal...At lalong hindi rin pwede na mahal mo, pero di ka mahal...

Okay fine, sabi nila, kapag mahal mo, dapat go lang, ipaglaban mo. Pero trust me, one way relationship will never work. Masasaktan at masasaktan ka lang. Saang anggulo man tingnan, in the end, talo ka lang din.

Masaya maging single...pero may mga panahon na nagiging marupok ang isang single. Umaasang magmahal at mahalin.

Tsk.Tsk.Tsk..Kaya sa mga mga taong kakabit ng pangalan ang status nilang In a Relationship o Married...sana maging sensitive tayo. Hindi rin kasi madali ang mag-isa.

2 comments:

Abeelicious said...

nakarelate daw tlga ako. hugs batch. i sooo know what you mean.

scarereyes said...

yuck tet. Wag kang magsentimyento. Ang ganda ganda mo. ok lang yan. Don't worry. Di ka tatandang dalaga. hehehehe